Sumali sa isang unyon ng manggagawa
Ang karamihan ng mga empleyado sa Finland ay mga miyembro ng unyon ng kanilang industriya. May karapatan kang sumali sa isang unyon ng manggagawa pagdating mo sa Finland para magtrabaho. Tutulungan ka ng unyon mo kung may problema sa iyong employer.
Ang mga unyon ng manggagawa ay nakikipag-ayos din sa mga tuntunin ng pagtatrabaho sa federation ng mga employer. Sa madaling salita, ang mga tuntunin ng pagtatrabaho ay pinag-uusapan para sa iyo.
Maaari ka ring sumali sa unemployment fund ng iyong industriya kapag sumali ka sa isang trade union. Kung ikaw ay mawawalan ng trabaho, ang iyong unemployment fund ay magbabayad sa iyo ng kita na may kaugnayan sa unemployment benefit kung ikaw ay may karapatan sa unemployment security.
Pumunta dito para madaling mahanap ang iyong unyon ng manggagawa:
Liitot.fi:
English/
Finnish