Kapag may problema, humingi ng tulong
Maaari kang makakita ng mga bagay sa trabaho na sa tingin mo ay hindi maayos o hindi patas ang paghawak. Laging subukang talakayin muna ang mga ito sa iyong tagapag-empleyo. Gumamit ng mga text message o email para sa mga talakayan at i-save ang bawat mensahe.
Narito ang dapat gawin kung ang pakikipag-usap sa iyong tagapag-empleyo ay walang pinatutunguhan:
Mga miyembro ng unyon
Makipag-usap sa iyong kinatawan ng empleyado o delegado ng proteksyon sa paggawa sa iyong lugar ng trabaho. Kinakatawan ng mga kinatawan ng empleyado (shop steward) ang mga empleyado at ang kanilang unyon sa trabaho sa lugar ng trabaho. Sila ay isang empleyado na pinili ng mga empleyado nang sama-sama. Sinusubaybayan ng delegado ng proteksyon sa paggawa ang kaligtasan sa trabaho ng mga empleyado at alam ang nauugnay na batas.
Kung ang iyong lugar ng trabaho ay walang kinatawan o delegado, makipag-ugnayan sa rehiyonal na opisina ng iyong unyon o tumawag sa hotline ng unyon.
Kung hindi ka miyembro ng unyon
Makipag-usap sa isang kasamahan o ang delegado ng proteksyon sa paggawa sa lugar ng trabaho. Kung walang mahanap na solusyon, maaari kang makipag-ugnayan sa Serbisyo sa telepono ng Pangangasiwa sa Kaligtasan at Pangkalusugan sa Trabaho o sa hotline ng mga karapatan ng empleyado ng SAK.
Pinaghihinalaan mo ba ang kriminal na pananamantala sa manggagawa?
Payo
Ang numero para sa walang bayad na hotline ng mga karapatan ng empleyado ng SAK ay
+358 800 414 004 (Lunes sa 14–17, at Martes at Miyerkules sa 9-11 at sa 12–15). Maaari ka ring magpadala ng email sa
workinfinland@sak.fi.
Ang hotline ng mga karapatan ng empleyado ng SAK ay nagbibigay payo sa Finnish at sa Ingles.
Ang number para sa Serbisyo sa telepono ng Pangangasiwa sa Kaligtasan at Pangkalusugan sa Trabaho ay +358 295 016 620 (Lunes–Biyernes 9–15).
Karagdagang impormasyon:
Ang walang bayad na hotline ng mga karapatan ng empleyado ng SAK:
English/
FinnishSerbisyo sa telepono ng Pangangasiwa sa Kaligtasan at Pangkalusugan sa Trabaho:
English/
Finnish